Mga Natatanging Pelikulang Pilipino
Ang Pelikulang Pilipino ay ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at isang popular na uri ng libangan. Isa rin ito sa mga pinagkukunan ng Trabaho ng mga 260,000 na Pilipino. Kumikita ito ng 1.5 na Bilyong Piso taun taon.
Narito ang iilang mga natatanging pelikula na pinarangalan ng iba't-ibang organisasyon dahil sa natatanging galing nito. Tumatak sa mga puso ng mga manunuod at lalo na sa ating reyalidad.
Ang Babae sa Septic Tank
Petsa nang Pagpapalabas: Disyembre 25, 2016
Haba nang Pelikula: 1oras 25minuto
Direktor: Marlon Rivera
Kategorya: Komedya
Panulat ni: Chris Martinez
Prodyusers: Chris Martinez, Marlon Rivera
Bida nang Pelikula:
Eugene Domingo bilang si Eugene Domingo/Romina – demanding na aktres na gaganap bilang si Romina sa pelikulang The Itinerary.
Jericho Rosales bilang si Cesar – napili ni Domingo na gumanap na Cesar sa kanilang pelikula kapalit ni Joel Torre.
Kean Cipriano bilang si Rainier – direktor ng pelikulang The Itinerary na may problema sa kaniyang asawa.
Cai Cortez bilang si Jocelyn – line producer ng pelikulang The Itinerary.
Khalil Ramos bilang si Lenon – batang production designer ng The Itinerary.
Joel Torre bilang si Cesar – orihinal na pinili ni Rainier na gaganap sa papel na Cesar.
Buod:
Ang pelikulang “Ang Babae sa Septic Tank” ay isang Filipino Indie Film noong 2011 sa direksyon ni Marlon N. Rivera, at sa panunulat ni Chris Martinez, na pinagbibidahan nila JM De Guzman, Kean Cipriano, Cai Cortez, at ni Eugene Domingo. Ang pelikulang ito ay pinasa bilang opisyal na entry ng Pilipinas sa 2011 Academy Awards for Best Foreign Film at sa 2011 Cinemalaya Festival.
Ang Babae sa Septic Tank ay isang pelikula sa loob ng isang pelikula. Umikot ang istroya kila JM De Guzman o si “Bingbong”, ang producer ng Walang Wala, kay Kean Cipriano o si “Rainier”, and director ng Walang Wala, kay Cia Cortez o si “Jocelyn”, ang production manager ng Walang Wala, at si Eugene Domingo as herself,ang artistang gusting kunin nila Bingbong, Rainier, at Jocelyn bilang si Mila, ang bida sa kanilang gagawing pelikula na “Ang Babae Sa Septic Tank”.
Sa pelikulang ito, pinakita ng grupo nila Bingbong ang iba’t ibang pamamaraan sa paggawa ng isang pelikula, tulad ng musical, indie style, dramatic style, meron at walang narration na movie, at pelikula na puno ng iba’t ibang advertisement. Nakakamangha dahil napakita nila iyon lahat sa isang pelikula lamang. Pinakita rin dito ang pagtatalo ni Bingbong at Rainier sa kung ano ang maaari nilang gawin sa kanilang pelikula para ito ay maging isang award winning movie kung saan pwedeng makilala ang mga Pilipino sa buong mundo dahil dito
Ang istorya ng pelikula na ginagawa nila Bingbong ay umiikot sa buhay ni Mila, isang ina sa kanyang pitong anak na nakitira sa isang depressed area, at ang kanyang mga sakripisyo sa buhay upang makaraos sa kanilang pangunahing problema, ang kahirapan. Ilan sa kanyang mga nagawa ay ang ibenta ang sarili nyang katawan sa iba, pumasok sa iba’t ibang trabaho, at ibenta katawan ng sarili nyang anak sa mga dayuhan, lahat ay upang kumita ng pera.
Sa huli napagdesisyunan nila Binogbong na si Eugene ang pinakaangkop na gumanap sa posisyon ni Mila bukod kila Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral na gumanap bilang sarili rin nila tulad ni Eugene. Sa huli ang Payatas Dumpsite ang napili nila Bingbong na magandang tagpuan ng kanilang pelikula dahil dito maiging pinapakita ang istura ng kahirapan ng Pilipinas. At sa dulo ng pelikula, kung saan ishu-shoot na ang eksena kung saan lilinisin na ng ka-double ni Mila ang poso negro, aksidenteng nahulog si Eugene Domingo sa loob nito, at dahil sya ay nasa loob na, napgdesisyunan na ng buong team na ishoot ng eksenang iyon habang sya ay nasa loob at doon na tuluyang natapos ang istorya.
Noong una ang akala ko sa pelikulang ito ay puno lamang ng comedy dahil dito ko naman talaga nakilala si Eugene Domingo bilang isang aktres. Ako’y namangha ng tunay dahil nagawa ni Ms. Domingo na umarte sa iba’t ibang point of view ng iba’t ibang tauhan sa istorya. Sa pelikulang ito nashowcase ang tunay na talent ni Ms. Domingo bilang isang mahusay na alagad ng sining. Ang Indie film na ito ay isang malinaw na istorya na maaaring mahalitulad sa totoong buhay di lang ditto sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa narin. Dahil una, pinakita sa pelikulang ito ang mga mabubusising hakbang upang makabuo ng isang istorya o pelikula na pwedeng mailaban sa iba’t ibang bansa sa mga kompetisyon at maaring bumenta commercially at bilang isang ganap na indie film. At pangalawa, dahil pinakita nga nito ang mga komon na problema ng mga magulang o pamilya sa ating bansa.
Ang pelikulang ito ay napakaganda para sa akin. Dahil napaka komplikado nung pagkakagawa at nung pagpapakita nung istorya. Talagang kailangan mapaisip ang mga manonood upang maunawaan ang istorya. Maganda ang pagkakomplikado nito dahil di sya sobra sobra. Talagang sakto lang, walang labis, walang kulang. Kaya kudos sa mga tao sa likod ng pelikulang ito at sa mga artistang gumanap sa mga tauhan sa kwento dahil ang “Ang Babae Sa Septic Tank” ay isa sa mga pinaka kilalang Indie Film ditto sa Pilipinas at dahil narin sa mga gantimpalang mga nakamit nito.

Pagsusuri:
Ang pelikula ay isa sa naging kalahok sa Metro Manila Film Festival 2016 sa ilalim ng direksyon ni Marlon Rivera. Ito ay ang pangalawang pelikula ni Eugene Domingo at ang una ay ‘Ang Babae sa Septic Tank’ kung saan pumasok sa tangke ng dumi si Domingo.
Noong una hesitant ako manonood ng mga indie movies since maliit ang budget nila for production baka hindi maganda at tinipid lng ito ngunit nagkamali ako. Hindi man ganoon kalaki ang pondo nila, dinala naman ito ng magandang istorya at kuwento.
Maganda ang nais ipahiwatig na mensahe ng direktor na si Rivera. Nagpapakita ito ng tunay na mga pangyayari at tunay na nagaganap sa pagbuo ng isang pelikula. Ang pagpili ng mas batang bida sa mga palabas ay maaring humakot at tangkilikin ng manonood. Ang pagkakaroon ng mga mga linyang tatak ay tiyak na makakapg-paalala sa iyo ng pelikula. Ngunit nais ipaliwanag ng palabas na ‘Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough’ na hindi ito ang tunay na nangyayari sa tunay na buhay. Inililigaw lang tayo ng mga palabas upang maniwala sa mga happy ending. Pansamantalang paglimot habang nanonood ng pelikula na ginawa sa imahinasyon ngunit pag-uwi natin muli nating haharapin ang mga problema. Ika nga ni Domingo walang nanonood ng pelikula kung mga sufferings lang din ang makikita, siguradong hindi ito papanoorin. Ganito na ang sistema ng pelikula sa ating bansa.
Malalim ang pinanggagalingan ng istorya nito. Kung titingnan akala sa una isang nakakatawang kuwento lang ito at nais lang magpasaya. Ngunit pinakikita nito ang katotothanan. Isang katotohanan na bihirang gawin ng mga malalaking kumpanya sa kadahilanan baka hindi kumita ang kanilang palabas. Hindi nito sinasabi na wala ngang forever pero karamihan ng totoong sitwasyon na nakikita natin sa ating mga napapanood ay hindi makatotohanan. Pinapaniwala tayo upang bigyan ng pag-asa at mapasaya kahit panandalian lamang.
Hindi matatawaran ang pagganap ni Domingo, tanging siya lang ang nababagay sa mga ganitong klaseng pelikula. Magaling din ang support cast nina Cortez, Rosales, Torre, Ramos, at Cipriano. Hindi man big time ang production nila ngunit magandang mensahe naman ang naipaabot nito sa mga manonood.
Madalas sa mga indie movies gaya nito ay tumatalakay sa mga tunay na sitwasyo at pangyayari ng ating bansa. Sana ito ay maging simula ng mas marami pang pelikula na magmumulat sa atin at magbibigay kaalaman sa lahat. Nawa’y tangkilin din natin ang mga ganitong klaseng palabas. Siguradong magiging bukas isip tayo at mas malalaman natin ang mga pangyayari sa ating paligid.
Heneral Luna
Ang pamagat ng pelikula ay Heneral Luna. Ang pelikulang ito ay ayon sa kasaysayan ng ating bansa. Ilan sa mga bumuo ng iskrip ay sina Henry Francia, E.A. Rocha at Jerrold Tarog. Ito ay sa direksyon ni Jerrold Tarog. Ang mga tauhan ay sina John Arcilla bilang Antonio Lauana, Mon Confiado bilang Emilio Aguinaldo, Aaron Villaflor bilang Joven Hernando, Jeffrey Quizon bilang Apolinario Mabini, Paulo Avelino bilang Gregorio del Pilar, Joem Bascon bilang Paco Roman, Archie Alemania bilang Eduardo Rusca, Arthur Acuña bilang Manuel Bernal at Alex Vincent Medina bilang Jose Bernal.“Bayan o sarili, mamili ka.” Umiikot ang istorya sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at kung paano lumaban at sumuong sa suliranin ang mga kapwa natin Pilipino upang hindi tuluyang masakop ng mga dayuhan at makamit ang soberanya.Umikot din ang daloy ng istorya sa tema ng disiplinang nakatatak sa karakter ng bayaning si Luna. Sinalamin ng pelikula kung paano niya pinamahalaan ang mga Pilipinong sundalo upang sugpuin ang pwersa ng mga Amerikano sa bansa at matupad ang kanilang hangaring makamit ang pangmatagalang kalayaang hinahangad ng sambayanan. Bukod pa rito, detalyado ring inilarawan sa pelikula ang mga suliraning kaakibat ng mga hangaring ito. Isa na rito ang hindi maiwasang pagpili ng maraming Pilipino sa pansarili nilang kapakanan kaysa ikabubuti ng buong bayan. Dito pumapasok ang ideya ng matinding pagkiling sa sariling pamilya at mga karatig na rehiyon ng Pilipinas ng ilang mga Pilipino kaysa sa bansang kanilang pinagmulan na naging balakid sa pagkamit ng nasyonalismo noon pa lamang. Kung iisipin, ito ang mga katangiang nakatatak pa rin sa lipunan maging sa kasalukuyan. Sakripisyo sa bayan at disiplina – ang mga katangiang ito ang nagsilbing pundasyon ng pelikula sa paglalarawan sa kahusayan ng bayaning si Luna. Kilala si Luna bilang isang mahigpit na heneral na may malaking pagpapahalaga sa disiplina. Naisadiwa ng pelikula ang mga katangian ni Luna sa pamamagitan ng paglalarawan ng ilang eksenang hango sa kanyang karanasan noong panahon ng digmaan.
“Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ang ating sarili,” Isa lamang ito sa mga linyang tumatak sa manunuod. Matagal nang usapan sa ating bansa kung sino nga ba ang dahilan sa kabila ng pagkamatay ni Heneral Luna. Maraming nagsabi na si Presidente Emilio Aguinaldo ang nagpautos na ipapatay ito kagay ng nangyari kay Andres Bonifacio. Ang pagtatraydor ng magkakaapatid sa bansa ay tila naging dahilan upang mas lalo mapabagal ang ating pag-unlad. Isa sa mga katangian ng pelikula na nais ipabatid sa manunuod ay ang pagiging isang tunay na Pilipino sa puso maging sa gawa. Makikita dito ang nasyonalismo ni Heneral Luna dahil sa hangad niyang bumuo ng isang matatag na bansa. Ibinahagi ni Arcilla kay Villaflor ang mga kwento ng nasyonalismo na natunghayan niya sa kanyang mga paglalakbay. Dito nabuo ang pagbabalik-tanaw sa ilang piling pangyayari sa buhay ni Luna bilang pinuno ng militar na may paninindigan sa batas at pagpapataw ng disiplina. Nalampasan ni Tarog ang hamong isalaysay ang komplikadong buhay ni Luna at ipaalam sa mga manonood ang kabayanihang ipinamalas niya noong panahon ng digmaang pambansa.
Hindi naging madali para sa mga producer at direktor ang paglalarawan sa mga pangyayari sa bawat bahagi ng buhay ng naturang bayani. Punong-puno ang pelikula ng mga masasalimuot na eksena bunsod ng walang humpay na giyera’t labanang kinaharap ni Luna. Dumanas din ang heneral ng ‘di mabilang na tama ng bala at saksak ng bolo bago mabawian ng buhay. May karahasan man, paliwanag ni Eddie Rocha, producer, “toned down” na ang paglalarawang ito sa pelikula kung ihalilintulad sa iba pang karanasang kinasadlakan ng kapita-pitagang bayani ng lahi.Naging mabigat man ang imahe ng pelikula dahil sa mga masalimuot na eksena, hindi pa rin naisantabi ni Tarog ang makapagbigay-aliw sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ilang nakahahalakhak na pangyayari sa istorya. Nilapatan ng kaunting katatawanan ang ilang eksena upang maalis ang tensyon mula sa mabibigat na pangyayari tulad ng eksena sa tren na naging komedya dahil sa kulang-kulang na Ingles ni Luna at ng kanyang mga kasamahan. Maayos ding nagampanan ng bawat artistang gumaganap sa pelikula ang pagsasabuhay sa kani-kanilang mga karakter, alinsunod na rin sa hinihingi ng direktor at manuskrito ng kwento, na mahigit labing-walong taon nang nag-aantay na mailimbag sa pinilakang tabing.Sa huli, nag-iwan ng epekto ang bawat eksena sa pelikula upang mapanindigan ang mga simbolong isinabuhay ng nasabing obra at makapaghatid ng mensahe sa mga manonood. Inilalarawan nito ang kahalagahan ng disiplina sa isang bayan, pagkiling sa ideya ng isang matatag na nasyon, at katangian ng mga tunay na bayaning handang ibuwis ang sariling buhay para sa ikabubuti ng buong lahing Pilipino. Iiwanan nitong mapaiisip ang mga manonood kung hanggang saan nga ba ang kaya nilang ibuwis para sa bayan at kung sino ang tunay na bayani ng ating lahi.
Ma'Rosa
May apat na anak ang mag-asawang Rosa at Nestor at munting sari-sari store sa kanilang lugar sa Manila. Ang kita sa kanilang maliit na tindahan ay hindi sapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya, kaya pati mga droga ay itinitinda niya. Isang araw nahuli ang mga ito ng pulis at upang makalaya kailangan nila magbigay ng lagay sa kanila. Nang hindi pumayag sina Rosa nakulong sila at naiwan ang kanilang mga anak upang humanap ng pera upang mailabas ang kanilang magulang sa kulungan.Ang istorya ng Ma’Rosa ay tumatalakay sa kahirapan ng buhay ng isang tipikal na pamilya na napasailalaim sa mga tiwaling pulis. Nakakagulat at nakakagalit ang mga revelasyon sa palabas na ito.Napakagaling sa pagganap ni Jacklyn Jose kaya kung hindi ninyo pa nakikita ang pelikula, kailangan ninyo itong panoorin. Dahil siguradong may dahilan ito kung bakit ito naging nominado sa prestihiyosong Cannes Film Festival.Ikinuwento ng beteranong director na si Brillante Mendoza ang tungkol sa mag-asawang Nestor at Rosa na may maliit na tindahan sa kanilang lugar. Dahil maliit lang ang kinikita ng mga ito sa kanilang tindahan, napupunuan ito ng pagtitinda nila ng shabu na isang klase ng illegal na droga na binebenta nila sa maliliit na pakete.Sa pamilyang naghihikahos sa hirap lahat ng sentimo ay mahalaga. Kaya gingawa lahat ng mag-asawa upang kumita. Dahilan na rin sa kanilang tatlong anak na kailangan nilang pakainin at ang isa pa ay nagkokolehiyo.Ngunit hindi nila inaasahan na may magsusumbong sa kanila sa mga pulis.Dumating ang mga pulis sa bahay nina Rosa at hinuli silang mag-asawa kasama ng mga ebidensyang nakuha sa kanilng bahay. Makikita mo dito ang katotohanang laganap ang droga kahit saan at maging ang mga tiwaling pulis na nagsasamantala sa mga mahihina.Tinanong ang mag-asawa sa pagdating nila sa istasyong ng pulis. At ang kagulat gulat sa lahat tinanong sila ng pulis kung ano ang pipiliin nila kung makukulong sila at ang krimen nagawa nila ay hindi puwedeng magpiyansa o magbibigay sila sa kanila ng dalawang daang libong piso para ayusin ang kaso at mapalaya na sila. Tinakot nila ang mag-asawa upang bumigay sa mga hinihiling nila. At kung gaano sila pahihirapan sa loob ng kulungan.Nagpapakita ito kung paano gipitin ng mga tiwaling pulis ang maliliit na tao na nakagawa ng mali. At kung paano nilang itinago ang kanilang kasalanan kanilang ginawa.Nang malaman ito ng kanilang mga anak gumawa sila ng paraan upang mailabas agad ang kanilang magulang sa kulungan.May mga parte sa palabas na minsan kagulat gulat at hindi mo inaasahan. Ngunit nais ng pelikulang ito ang ipakita sa mga tao na magkaroon ng bukas na isip sa mga pangyayare, na minsan ay tunay na nagaganap sa maraming tao. Siguradong maraming matututunan ang mga manonood dito.Kahirapan ng buhay ang minsan nagtutulak sa maraming tao na gumawa ng mali. Idinodokumentaryo nito ang buhay ng isang kagaya ni Rosa.Mararamdaman mo ang kakaibang aura ng pelikula na inilabas ang walang katarungang sistema na nagaganap sa mga mahihirap na biktima hindi lang ang mga tiwaling pulis kundi ng illegal na droga.Ang Ma’Rosa ay napiling lumaban sa Palme d’Or sa 2016 Cannes Film Festival. Kung saan nanalo si Jaclyn Jose ng parangal ng pinakamagaling na aktres.
Manila Kingpin
Tondo. Ang Sinaunang Gangland. Taong1950. Ang mga digmaan ng gang ay narito. Ang naging pangalan ng laro ay karahasan.
Ang mga gangster ay nagdala ng thompsons at grasa na baril sa isang bayong. Ang mga pulis ay masyadong matapang at nagreresulta sa madugong pagtatagpo.
Ang lahat ng kilalang hoodlums ay pinangarap na maging Hari, ngunit ang isang matalino at madulas na hoodlum ay naging makapangyarihan at naghari. Siya ang pinakabata at pinakamatigas na Public Enemy No. 1 (Kriminal) ang Tondo Underworld. Siya ay kinatatakutan, iginagalang at minamahal. Ang isang maalamat na Robin Hood sa kanyang panahon ay hindi kailanman malilimutan ng Tondo. Tinawag siya ng kanyang gang na Hitler. Kinikilala ng Tondo siya sa ibang pangalan: ASIONG SALONGA.
Ninanakawan niya ang mayayaman upang ibigay sa mga dukha.
Siya ay nanirahan at namatay sa pamamagitan ng baril. Siya ay nanirahan nang mabilis at namatay na bata pa.
Ito ang kanyang madugong karera at pagsagip sa tunay na kuwento.
Ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay isang pagsasadula ng buhay at kapanahunan ng gang leader na si Nicasio Salonga na naghari sa Tondo mula noong dulo ng mga 1940s hanggang Oktubre 1951, nang siya ay paslangin ilang araw bago dumating ang kanyang ika-27 taong kaarawan. Lagi na lamang ipinag-aalala si Asiong (George Estregan, Jr.) ng kanyang maybahay na si Fidela (Carla Abellana), at ng kanyang mga magulang (Robert Arevalo at Perla Bautista), nguni’t hindi magpapaawat si Asiong. Gusto niyang patalsikin ang ibang mga siga sa Maynila na diumano’y nang-aapi sa mga mamamayan ng Tondo. Kabilang sa mga ito ay sila Totoy Golem (John Regala) at Boy Zapanta (Ronnie Lazaro). Nahuhulog ang loob ng mga taga-Tondo, lalo na yaong mga kinikikilan ng mga karibal ni Asiong na kilala naman bilang matulungin sa mahihirap, isang makabagong “Robin Hood”. Mamaliitin nila Golem at Zapanta ang bagitong si Asiong, ngunit hindi susuko si Asiong, gagamitin ang husay niya sa baril at basag-ulo upang mangibabaw at taguriang “Hari ng Tondo”.
Ginawang black and white ang pelikula para mas maging mukhang lumang istorya talaga—tipo bang kapani-paniwala, parang documentary noong wala pang Technicolor, okey. Nagsilbi din yung black and white para hindi masyadong maging mukhang madugo ang pelikula—dahil ang istorya’y pulos barilan, saksakan, patayan, umaagos ang dugo na tila ba galing sa sirang boke-sendyo. Kung nagkataong Technicolor ang pelikula, baka masuka na ang manonood sa dami ng dugo, kahit na nga ba isiping mong ketsap lang yung dugong iyon.Kahanga-hanga ang galing at tamang-tamang paglapat ng sounds at lighting: hindi tulad ng karaniwang pelikulang Pilipino na minsa’y sobrang dilim at minsan nama’y nakakabulag na sa liwanag na wala sa lugar, at magkaminsay biglang nakakabingi sa lakas ng tunog, maging salita man o musika. Wala ang mga kapintasang iyan sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.Kahanga-hanga ang galing at tamang-tamang paglapat ng sounds at lighting: hindi tulad ng karaniwang pelikulang Pilipino na minsa’y sobrang dilim at minsan nama’y nakakabulag na sa liwanag na wala sa lugar, at magkaminsay biglang nakakabingi sa lakas ng tunog, maging salita man o musika. Wala ang mga kapintasang iyan sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.Sa pagganap naman ng mga pangunahing mga tauhan ay wala din kaming masasabi kundi tila “kinarir” na talaga ng mga artista ang pagiging mga sanggano: totoong-totoo.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento